-- Advertisements --
Nagdesisyon ang grupo ng mga eksperto sa Department of Science and Technology (DOST) sa bansa na gumawa ng sariling bersyon ng ivermectin ang gamot umano na nakakagaling ng COVID-19.
Sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra na pangungunahan ito ng mga eksperto sa University of the Philippines (UP) Manila College of Pharmacy.
Kabilang kasi ang grupo ng Pilipinas sa international study ng ivermectin para malaman ang kakayahan nito at epekto sa mga asymptomatic na pasyente.
Nagkaroon na rin sila ng protocol revision at kasama rin ang bansa sa international ivermection consortia na pinangungunahan ng University of Liverpool sa England.