-- Advertisements --

Wala ng magiging problema na ang Pilipinas para sa hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025.

Sinabi ni hilippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara na handa na sila sa nasabing hamon sa hosting.

Dagdag pa nito na tiyak na mamamahalin ng mga volleyball team ang bansa dahil mararamdaman nila na sila ay nasa bahay lamang.

Huling lumahok ang Pilipinas sa international volleyball tournament ay noong 1974 sa Mexico.

Sa buwan ng Setyembre gaganapin ang draw para sa nasabing torneo at pormal na rin ang pagsisimula ng training camp ng men’s national volleyball team sa ilalim ng Brazilian mentor na si Sergio Veloso.