-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan ang Pilipinas ng muling pakikipag-usap sa Internationa Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon ng war-on-drugs.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ilang bahagi na kayang makipag-tulungan ang Piliipnas sa ginagawang imbestigasyon ng ICC.

Dagdag pa ng kalihim na ang kooperasyon ng Pilipinas sa international tribunals ay pinapayagan sa ilalim ng batas ng Pilipinas lalo na at labas-pasok ang ICC representatives sa bansa.

Ibang usapin din aniya ang muling pagbabalik ng Pilipnas sa ICC na umalis ito noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang sa pagharap ni Duterte sa pagdinig ng kongreso ukol sa war on drugs ay hinamon niya ang ICC na dapat bilisan na ang pag-iimbestiga kung saan inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos na hindi niya haharangin ang ICC kung bokal naman sa kalooban ni Duterte ang pag-iimbestiga sa kaniya.