-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na magkakaroon ng malalakas na manlalaro ang bansa dahil sa napili itong maging host ng 14th East Asia Basetball Cup.
Gaganapin ang nasabing torneo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 sa Clark, Pampanga.
Ayon kay Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga, na isang kakaibang pagkakataon sa bansa na maghost ng event dahil huling naging host ito ay noong 1995 o halos 30 taon na ang nakakalipas.
Ilan sa mga nakatakdang makakalaban nila ay ang Thailand, Indonesia, Singapore, Malaysia, Cambodia, Hong Kong, India, Sri Lanka, Pakistan, Iran at Iraq.
Ang dalawang koponan na may maraming panalo ay uusad sa Asian Championship.