Handang idepensa ng Department of Tourism ang kanilang titulo sa 2025 World Travel Awards.
Ayon sa DOT na kanilang idedepensa ang mga pagkilala na nakuha nila noong nakaraang taon na ito ay ang Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Island Destination.
Ang nasabing titulo ay hawak ng bansa sa loob ng anim na taon mula 2019 hanggang 2024.
Bukod pa dito ay mayroon ilang pangunahing destinasyon ang nominado ngayong taon ito ay ang Boracay bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination; Intramuros bilang Asia’s Leading Tourist Attraction at Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination.
Nakuha rin ng ahensiya ang nominasyon bilang Asia’s Leading Tourist Board.
Nagsimula ang botohan sa Pilipinas para sa iba’t-ibang kategorya sa 32nd World Travel Awards mula Abril 1 hanggang Agosto 31, 2025.