-- Advertisements --
Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos na hindi magdadalawang isip ang gobyerno na gumawa ng hakbang sakaling may Filipino na masawi dahil sa ginagawang pagtataboy ng mga Chinese coastguard sa West Philippine Sea.
Ayon sa pangulo na ang malinaw na isang uri ng giyera na kapag nangyari ito maging sa mangingisda man o kasapi ng kasundaluhan at Philippine CoastGuard.
Naniniwala ito na handang tumulong ang mga kaalyadong bansa na mula pa noon ay alam nila ang legal na ipinaglalaban ng bansa.
Nagpapasalamat pa ito ngayon dahil sa may nasugatan lamang subalit ibang usapin na kapag may masawing Filipino dahil sa ginagawang pagtataboy ng Chinese Coast Guard na nasa West Philippine Sea.