-- Advertisements --
Handang tumulong ang Pilpinas para maapula ang malawakang sunog sa Australia.
Ito ang tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin, sa kaniyang talumpati sa Australia Day reception.
Naniniwala din ito na kayang malampasan ng Australia ang nasabing malawakang sunog na nagsimula pa noong Setyembre.
Pagtitiyak din nito na nagiging matibay ang ugnayan ng Pilipinas at Australia.