-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na hindi gagamit ang Pilipinas ng water canon gaya ng ginagawa ng China para sa West Philippine Sea.

Hindi rin pabor ang Pangulo na lagyan ng water canon ang mga barko ng Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo hindi bababa ang Pilipinas sa uri ng pag iisip ng China na gumamit ng water canon para itaboy ang mga sasakyang pandagat sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa disputed islands.

May mga nagmumungkahi kasi na maglagay na rin ng water cannon ang mga barko ng pamahalaan para merong pang depensa sakaling muling kanyunin ng tubig ang mga ito ng China Coast Guard vessels.

Binigyang-diin ng Pangulo na walang intensyon ang bansa na umatake o gumanti sa China gamit ang water canon na batid naman aniya niyang nakapipinsala hindi lamang sa mga barko kundi laban sa mga kababayan nating Pilipino.

Inihayag ng Pangulo, hindi ang pag atake at pamimimsala sa iba ang pangunahing misyon ng phil navy at phil coast guard kundi ang mabawasan ang tensyon sa WPS.

” No. We are.. what we are doing is defending our sovereign rights and our sovereignty in the WPS. and we have no intention of atatcking anyone with water cannons or any other such offensive, we have to call them weapon dahil nagakkadamage na, so no that is not somehting that’s in the plan,” wika ng Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, inihayag din ng Pangulo na hindi misyon ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard na mag water canon ng mga barko para magtaboy ng mga barko.

” We will not follow the Chinese Coast Guard and the Chinese vessels down that road because it’s simply , it is not the mission of our navy, our coast guard to start or increase tensions. their mission is precisley the opposite, is to lower tensions. That’s why , all we do is pagkanangyayari, winowater cannon yung mga barko natin ay nagpapadala tayo ng demarche, nagpapadala tayo gn sulat sa China and other stakeholders, so that will be the oppositie of what we are trying to achieve, would be to put some kind of any kind of cannon on our ships,” pahayag ng Pangulong Marcos.