-- Advertisements --
Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakakabili ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang naging kasaguntan ng pangulo sa mga tanong ng ilang opisyal na kung saan napunta ang inutang ng gobyerno pambili ng nasabing bakuna.
Sa kaniyang public address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo na ang mga bakuna na dumating noong nakaraang mga linggo ay donasyon mula sa China at COVAX facility na pinangangasiwaan ng World Health Organization (WHO).
Iginigiit pa rin ng pangulo na ang mga perang inutang ng gobyerno ay nasa banko pa rin at hindi pa rin ito ipinapasakamay kanino man.
Magugunitang aabot sa halos 1 milyon na Sinovac mula sa China ang natanggap ng bansa at mayroong 525,000 doses ng AstraZeneca mula sa Covax facility.