Humakot ng medalya ang pambato ng bansa sa 2021 Polish Qualifying Round ng Para Dancesport competition.
Mayroong pitong ginto, apat na silver at limang bronze medals ang nasungkit ng kinatawan ng bansa sa kumpetisyon na ginanap sa Lomianki, Poland.
Pinangunahan ni Edelyn De Asis ang Philippine Team na nagtagumpay sa apat na magkakaibang kategorya sa torneyo.
Tiyak na ang pagsali nito sa Para Dancesport World Championship na gaganapin sa Korea sa buwan ng Disyembre.
Nakamit kasi ni De Asis ang gold medals sa solo women class 2, junior calss 1 and 2, solo women class 2 freestyle habang naibulsa naman niya ang first place kasama si Julius Jun Obero sa duo freestyle class 2.
Dalawang gintong medalya pa ang nakuha ni Obero kasama si Rhea Marquez sa combi Latin class 2 at freestyle combi class 2.
Gold medals din ang naiuwi nina Jhona Pena at Joey Maglasang sa duo standard class 2.
Silver medals naman ang nasungkit nina Christian Apolinario at Jhistine Glyde Baguio at anim na bronze medals ang napanalunanni Anne Charlaine Santos.