-- Advertisements --
Inilagay ang Pilipinas sa ika-52 sa 167 na mga bansa sa Democracy Index 2022 ng think tank na The Economist Intelligence Unit (EIU) na nakabase sa London.
Inuri pa rin bilang isang flawed democracy na bahagyang napabuti ng Pilipinas ang ranggo nito mula sa ika-54 noong taong 2021.
Ika-55 ang bansa noong 2020, ika-54 noong 2019, ika-53 noong 2018, at ika-51 naman noong 2017.
Iniulat ng Economist Intelligence Unit na ang bansa ay nakakuha ng kabuuang 6.73 sa sampung porsyento noong 2022, isang bahagyang pagtaas mula sa 6.62 percent noong nakaraang taon.
Una na rito, ang taunang index ng think tank ay sumusukat sa estado ng pandaigdigang demokrasya batay sa mga marka para sa 60 indicators.