-- Advertisements --

Itinutuirng ng Department of Tourism (DOT) na lalo pang tataas ang bilang ng mga turista matapos na mapirmahan na ang implementing rules and regulations para sa Value-Added Tax Refund ng mga Non-Resident Tourist.

Ang nasabing hakbang ay mabibigyan ng ang mga foreign tourist na ma-apply ng value-added tax refund para sa mga nabiling lokal na produkto mula sa accredited stores.

Nakasaad sa Republic Act 12079 na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na ang mga non-resident tourists o foreign passport holders ay mabibigyan ng VAT refund sa mga nabiling lokal na produkto na nagkakalahaga ng P3,000 at ito ay dadalhin sa labas ng bansa 60 araw pagkatapos mabili.

Maibabalik ang tax refund sa pamamagitan ng electronic bank transfer.

Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto, Bureau of Customs commissioner Bienvenido Rubio, at Bureau of Internal Revenue deputy commissioner Marissa Cabreros ang pagpipirma ng IRR.