-- Advertisements --
Kabilang ang Pilipinas na makakatanggap ng bakuna mula sa US.
Ayon kay Philippine Ambassador to US na si Jose Manuel Romualdez, nakatanggap ito ng tawag mula sa White House at sinabing isinama ang Pilipinas na mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19.
Ang nasabing mga bakuna ay posibleng gawa ng mga kumpanyang Moderna at AstraZeneca.
Posibleng sa mga susunod na buwan ay matatanggap na ng Pilipinas ang nasabing mga bakuna.
Magugunitang ipinangako ni US President Joe Biden na sila ay magbibigay ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga bansang mahihirap para tuluyang magsugpo ang virus.