-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Hindi pa rin umano maganda ang estado ng Pilipinas sa Community to Protect Journalist Global Index.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Joel Sy Egco, nasa ika-limang puwesto ang Pilipinas ngayong taon.

Ito’y mula sa ikalawa noong 2008 hanggang 2019 na nangangahulugan na isa pa rin ang bansa sa pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag.

Subalit sinabi ni Egco na batay sa kanilang pananaliksik, hindi lahat ng mga pinatay na journalist ay may kaugnayan sa kanilang trabaho.

Ayon sa PCOO official, ang layunin ng ilang pagpatay sa mga mamamahayag ay para pahiyain ang bansa sa international community.

Kasabay nito, tinutugunan na aniya ng pamahalaan ang mga kaso ng media killings sa Pilipinas sa pamamagitan ng binuong Presidential Tark Force on Media Security.