Lumabas sa pag-aaral ng World Bank na sa kabila ng pagbaba ng kahirapan sa Pilipinas, nananatiling mataas ang income inequality sa bansa.
Bumagsak ng two-thirds or 66 percent ang kahirapan sa Pilipinas.
Ang income inequality ng bansa ay sinusukat gamit ang Gini coefficient, na sumusubaybay sa pagkakaiba sa pagitan ng wealth distribution or income levels.
Ang zero ay nagpapahiwatig ng perpektong equality, na may mas mataas na mga coefficient na nagpapahiwatig ng mas mataas na inequality.
Sa loob ng 40 na bansa, ang Pilipinas ang pumapangalawa sa “highest income inequality” sa East Asia.
Nakuha rin ng bansa ang 15th place sa loob ng 63 nations sa buong bansa na may mataas na income inequality.
Inihayag naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na gagamitin ng Marcos administration ang report upang maipaalam ang patakaran kaugnay sa pag-unlad.