Napabilang ang Pilipinas sa mga bansang pangunahing bumibili ng mga aircraft at iba pang defense equipment mula sa US.
Ito ay batay sa datus mula noong April 2023 hanggang March 2024.
Sa loob ng naturang panahon, umabot sa kabuuang $348.6 million ang aircraft at defense export ng US sa Pilipinas.
Ito ay pang-17 sa kabuuang listahan ng mga bansang pangunahing bumibili ng mga armas at sasakyang panghimpapawid sa US.
Batay pa sa datus ng US Department of Commerce’s Industry and Analysis-Aerospace Office at US Commercial Service, nakapagbenta ang US ng kabuuang $282.4 million na halaga ng mga civil aircraft at mga parte nito.
Ang nalalabing $66.2 million ay ay ibinili ng iba pang defense equipment.
Samantala, maliban sa Pilipinas ay tinukoy din ng US ang mga bansang Australia, Brunei, Canada, Indonesia, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Vietnam, at iba pa bilang top markets ng mga US civil aerospace and defense exports