-- Advertisements --
Nangangailangan ng hanggang P846 billion ang bansa para tuluyang mabawi ang ekonomiya dulot ng coronavirus pandemic sa bansa.
Sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, na hindi na dapat patagalin pa ang nasabing pondo para tuluyang makabawi ang bansa.
Hinikayat din niya ang mga business sector na ipanawagan sa mga mambabatas na magpasa na ng reporma para sa mga small, medium at big companies na makabawi mula sa global pandemic.
Isa ring paraan para makabawi ang local economy ay dapat ipursige ng bansa ang mga pangunahing proyekto ng gobyerno gaya ng build, build, build ganun din ang mga extension ng Manila Rail Transit System Line 2.