Kasama ang Pilipinas sa prioridad na bansa sa Asya ang mababahagian ng 7 milyon doses na COVID-19 vaccine mula sa US.
Ang nasabing bilang ay unang tranche na naipangako ni US President Joe Biden na ibibigay sa para sa mga mahihirap na bansa.
Idadaan ang nasabing mga bakuna sa COVAX facility ang global vaccine-sharing facility.
Paghahatian ng mga bansang Laos, Thailand, Papua New Guinea, Taiwan, Pacific Islands, Pilipinas, India, Nepal, Bangladesh, Pakistan, Sri Lanka, Afghanistan, Maldives, Malaysia, Vietnam at Indonesia ang unang 7 milyon doses ng bakuna mula sa US.
Magbibigay din ang COVAX sa 6 milyon doses sa South at Central America at 5 milyon doses sa Africa.
Magugunitang ibinunyag ni Biden na mayroong 80 milyon doses ng bakuna ang ibibigay sa mga mahihirap na bansa.