-- Advertisements --

Kinondena ng Pilipinas ang panibagong missile launches ng North Korea na lalo nagpataas ng tension sa Indo-Pacific region.

Sa isang staement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang naging aksiyon ng North Korea ay nakasira sa kapayapaan at stability sa rehiyon.

Bunsod nito, nanawagan ang Pilipinas sa lahat ng concerned parties na ipairal ang utmost restraint o pagpipigil sa kabila ng provocations ng Northe Korea.

Hinikayat din ng bansa ang North Korea na sumunod sa mga obligasyon nito alinsunod sa United Nations Security Council Resolutions at mag-commit sa proseso ng isang konstruktibo at mapayapang dayalogo sa Republic of Korea.

Kamakailan lamang, iniulat ng North Korea na naglunsad ito ng mahigit 20 missiles sa nakalipas na araw, isang ballistic missile sa may east coast kabilang dito ang isang pinaniniwalaang long-range missile na dumaan sa Japan at ang missile launch na umabot sa maritime border nito sa South Korea.

Kasunod na rin ito ng inaasahang pagpapalawig pa na largest-ever joint military drill sa pagitan ng South Korea at Amerika.