Kinundena ng Pilipinas ang pinakahuling ballistic missile launch ng North Korea.
Una kasing inilabas ng state media ng North Korea na nagsagawa ang naturang bansa ng test fire sa dalawang ballistic missile noong Lunes, July 1.
Ang ginawang test fire ay iniulat din ng South Korea ngunit ayon sa militar nito, hindi naging normal ang paglipad ng isa sa mga missile.
Batay sa opisyal na pahayag ng DFA, ang panibagong pagpapalipad ng missile ay nagpapalala lamang sa tension sa Korean Peninsula at sa lndo-Pacific region.
Giit ng ahensiya, naaapektuhan dito ang economic progress, kapayapaan, at katatagan ng naturang rehiyon.
Ayon pa sa DFA, makailang-beses na ring umapela ang Pilipinas sa North Korea na mag-comply sa mga international obligations nito, at ang pagsunod sa mga akmang resulosyon ng United Nations Security Council.
Hiniling din ng ahensiya sa North Korea na pumasok na lamang sa constructive at mapayapang diyalogo kasama ang Republic of Korea o South Korea.
Batay sa naunang statment ng Joint Chiefs of Staff ng North, dalawang missile ang pinakawalan na may sampung minuto na pagitan mula sa bayan ng Jangyon sa Southeastern North Korea.
Ang unang missile ay sinasabing lumipad ng 600 km habang ang ikalawang missile ay lumipad ng 120 km ngunit hindi na binanggit kung saang lugar bumagsak ang mga ito.