-- Advertisements --

Nakikita ng Danish Dairy Board (DDB), ang Pilipinas bilang isa sa pinakamagandang merkado para sa mga organic dairy products nito.

Ang Danish Dairy Board ay ang organisasyon ng mga dairy producers sa Denmark, na responsable sa dairy production at export mula sa naturang bansa.

Ayon sa DDB, lalo pa nitong lalawakan ang pagpapadala ng mga produktong gatas sa Pilipinas, dahil sa lumalagong dairy trade sa pagitan ng dalawang bansa.

Mataas kasi anila ang demand para sa dairy products at inaasahang lalo pa itong tataas ng hanggang tatlong porsyento. Sa pamamagitan ng naturang projection, maaaring maabot ang hanggang 3.5 milyong metriko tonelada ng gatas hanggang 2024.

Tiniyak naman ng naturang grupo na tanging ang mga kalidad na produktong gatas lamang ang ipapadala sa bansa, na pasok sa mahigpit na panuntunan o standards na sinusunod ng pamahalaan ng Pilipinas.

Samantala, kabilang sa mga organic dairy products na isinusuply ng Denmark-based na grupo ay ang mga cream milk, organic fresh milk, cream cheese, atbp.