Inihayag ni National Maritime Council Spokesperson Vice Admiral Alexander Lopez na maghahain muli ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas hinggil sa pinaka huling dangerous maneuver ng China sa barko ng Pilipinas sa Escoda shoal.
Ayon kay Lopez na nananatiling committed ang pamahalaan sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na idaan sa diplomatic approach at peaceful resolution ang pag resolba sa naturang insidente.
Ipinaliwanag ni Lopez na hindi kabilang sa best interest ng Pilipinas ang pag ganti sa marahas na aksyon ng China.
Sa kabila naman nito, nanindigan ang NMC na ipapatuloy ng bansa ang pag giit sa karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa West Philippines Sea.
Ipagpapatuloy din anya ng gobyerno ang pagsasagawa ng routine maritime activities at sa pag protekta sa teritoryo at maritime zones mula sa environmental degradation at iba pang illegal na aktibidad.