-- Advertisements --
Labis na maapektuhan ang Pilipinas kapag tuluyang hindi isasama ang boxing at weightlifting events sa 2028 Los Angeles Olympics.
Sinabi ni boxing chief Ed Picson at weightlifting head Monico Puentevella, mayroon pa silang pagkakataon para sumulat at umapela sa International Olympic Committee (IOC) na huwag tanggalin ang nasabing mga sports sa nalalapit ng Olympic Games.
Nararapat aniya na bigyan sila ng tsansa ng IOC na linisan ang kanilang hanay.
Nauna rito plano ng IOC na tanggalin ang mga nabanggit na sports dahil sa umano’y maanomalyang pamumuno ng organisasyon.
Bukod sa dalawang sports ay kasama rin ang pentathlon para magkaroon ng pagkakataon ang skateboarding, sports climbing at surfing sa darating na LA 2028 Olympics.