-- Advertisements --

Napiling maging host ang Pilipinas sa dalawang windows ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon sa FIBa na ang Group A games kung saan kabilang ang Gilas ay gaganapin sa bansa sa February 2022 window.

Itinuturong dahilan dito ay ang travel restrictions dahil sa COVID-19 ng ilang mga bansa sa East at South East Asia.

Magiging bubble format ang laro ng Group A and B para matiyak aniya na masusunod ang health protocols.

Sa orihinal kasi na schedule ay maglalaro sana ang Gilas sa home-and-away settings laban sa South Korea, New Zealand at India sa darating na Nobyembre subalit dahil sa bagong direktiba ng FIBA ay iniurong na ito sa Pebrero.