-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kasama ang Pilipinas sa maraming bansa para labanan ang climate change.

Sa kaniyang talumpati sa 77th United Nation General Assembly sa New York, siniguro nito na magiging matatag na kasangga ng UN ang Pilipinas.

Iginiit na kailangan ng Pilipinas ang United Nations at bilang patunay ay handang makipagtulungan ang bansa sa imbestigasyon nito sa human rights abuse na ito ay para sa kapakanan ng isang tao at hindi sa anumang pulitika.

Hindi rin naiwan ang pagtalakay sa naging papel ng UN sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19.