-- Advertisements --

Aabot sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.

Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, na nagkaroon na sila ng pagpupulong ni Chef de Mission Ramon Fernandez at mga opisyal ng Philippine Sports Commission kung saan tinalakay ang bilang ng atleta na kanilang ipapadala.

Nagkaroon aniya sila ng bahagyang pagtitipid dahil sa limitadong budget para sa nasabing torneo.

Sa orihinal na listahan kasi ay aabot sa 627 na atleta ang kanilang isasabak subalit 80 sa mga dito ay mula sa national sports associaton sa ilalim ng Group B kung saan ang mga kinaaaniban nilang asosasyon ang magbibigay ng budget sa mga atleta.

Inaasahan na hindi bababa sa P200 milyon ang inilaan na budget kung saan kanila itong inaayos.

Magsisimula ang laro sa Mayo 12 hanggang 25.