-- Advertisements --
Magpapadala ang Pilipinas ng 626 na atleta na maglalaro sa 2021 Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
Ito ang laman ng dokumento na ipinasakamay ni Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino kay Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez.
Sa nasabing bilang ay maglalaro ang Pilipinas sa 39 sports events sa kabuuang 40 events ng 2021 SEA Games.
Unang nagsumite kasi ang POC ng 560 na atleta subalit nagkaroon ng mga pagbabago at idinagdag ang 66 na iba pa matapos ang pakikipagpulong sa 39 national sports associations.
Nanguna sa pinakamaraming bilang ang atlethics na mayroong 38 na kalalakihan at 25 na kababaihan.