-- Advertisements --
Aminado ang Philippine Olympic Committee (POC) na mahihirapan ang bansa na maidepensa ang titulo nito sa Southeast Asian Games bilang overall champions.
Sinabi ni POC chairman Abrham Tolentino na maraming mga suliranin ang kinaharap ang bansa lalo na ang pagdaan ng COVID-19 pandemic.
Dahil aniya sa pandemiya ay nawalan ng panahon ang mga atleta ng bansa na makapagsanay.
Inihalimbawa din nito na may ilang training facilities ang ginawa ng gobyerno bilang quarantine facilities.
Magugunitang humakot ng kabuuang 387 medalya ang bansa noong 30th SEA Games kung saan naging host ito.
Tiwala naman si Tolentino na kayang makipagsabayan ang atleta ng bansa sa nasabing torneo na gaganapin sa Mayo 12 sa Hanoi, Vietnam.