-- Advertisements --

Makakatanggap ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer BioNtech.

Nag-laan kasi ang nasabing kumpanya ng 14.1 milyon doses ng bakuna para sa 47 bansa na ito ay maibibigay sa second quarater ng taon.

Ayon sa Gavi Vaccine Alliance, kasabay ng Pilipinas na makakakuha sa second quarter ay ang Brazil, Colombia, Mexico, South Africa at Ukraine.

Kabilang kasi ang Gavi na namumuno sa COVAX facility na siyang tutulong sa mga mahihirap na bansa para makakuha ng mga libreng bakuna laban sa nasabing virus.

Mula ng simulan ang pamamahagi ng bakuna ay mayroon ng 38.4 milyon na doses ng COVID-19 vaccines ang kanilang naibigay sa 102 na bansa.

Sinabi naman ni Gavi chief executive Seth Berkley, na target nila ang mahigit 2 bilyon an bakuna ang ipapamahagi ngayong 2021.