Naniniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malaki ang potensyal ng Pilipinas sa pagsusulong sa international interventions sa iba’t ibang bansa sa ilaim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, isa sa mga isinusulong ng Pilipinas sa mga interventions nito sa iba’t ibang international community ay ang migration, climate change, gender empowerment, at maritime peace at stability.
Dagdag pa ni Manalo na maganda ang katayuan ng Pilipinas sa mga international gatherings dahil sa maayos na presentasyon ng Marcos administration sa panghihikayat ng mga foreign investors na mamuhunan sa ating bansa.
Samantala, malaki rin umano ang ilalago ng ekonomiya ng ating bansa sa mga susunod pang buwan at taon