-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines na wala ng mga foreign terrorists na kanilang namomonitor sa bansa.
Ayon kay AFP chief Romeo Brawner Jr, na dahil sa pinaigting na pagbabantay ang AFP at ilang mga ahensiya kaya masasabing ligtas na ang bansa sa anumang banta ng mga dayuhang terorista.
Noong nakaraang taon aniya ay kanilang na-neutralized ang dalawang foreign terrorist.
Dumarami na rin ang mga lugar sa bansa ang naidedeklarang insurgency-free kabilang na dito ang mga lugar sa Mindanao.
May ilang guerilla fronts naman ng New People’s Army (NPA) ang mahigpit na binabantayan ng AFP na kung saan sila ay nakikipagtulungan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para ito ay mabuwag.