Nananatili pa rin na nasa Alert Level 2 ang buong Pilipinas hanggang sa pagsapit ng January 15.
Ito sa kabila ng muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 at pangamba sa posibleng pagkalat pa ng Omicron variant sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, sa ilalim ng Alert Level 2 ay ipatutupad ang 50% limited capacity para indoor venues, mga fully vaccinated, at mga wala pang 18 taong gulang, maging sa hindi pa nababakunahan na mga indibidwal.
Habang ipapatupad naman aniya ang 70% limited capacity para sa mga outdoor venues basta’t lahat ng mga manggagawa ng establisiyemento ay nabakunahan na laban sa COVID-19.
Samantala, magugunita na kamakailan lang ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng muling pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.