-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ng China na ang kilos ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay dikta lamang ng mga dayuhang kapangyarihan.
Ayon sa DFA, ang bawat desisyong ginagawa ng bansa ay nakabatay sa pambansang interes at hindi bahagi ng anumang “shadow play” gaya ng sinasabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Sinabi ni Wang Yi na ang Pilipinas ay parang tauhan lamang sa isang mas malaking geopolitical script na isinulat ng ibang bansa, kung saan ang bawat hakbang nito ay iniuulat ng Western media upang sirain ang imahe ng China.
Ngunit giit ng DFA, dapat tanggapin ng China na ang Pilipinas ay isang malaya at soberanong estado na kumikilos para sa kapakanan ng sariling mamamayan.