-- Advertisements --
Mayroon ng dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ito ay sa pamamagitan ni Angel Gwen Derla para sa women’s bamboo shield form ng kun bokator.
Dating player ng pencak silat ang 19-anyos na Cabuyao Laguna si Derla kaya sinubukan ang indigenous sport ng Cambodia.
Nagtala ito ng 8.5 points para tuluyang talunin ang pambato ng Cambodia na si Chanchhorvy Puth na mayroong 8.47 points sa laro na ginanap sa Chroy Changvar Hall.
Magugunitang unang nakuha ni Brazilian Jiu-Jitsu fighter Jenna Kaila Napolis ang gold medal ng bansa matapos talunin si Jessa Khan ng Cambodia sa gold medal match sa 52kg division.
Sa kabuuan ay mayroong dalawang golds, dalawang silver at tatlong bronze medal ang Pilipinas.