-- Advertisements --

Mayroong kabuuang 395 na atleta ang ipapadala ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa buwan ng Setyembre sa Hangzhou, China.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na sa una ay umabot ng 400 ang bilang ng mga atleta pero sa mga seryeng ng deliberasyon ay kanila ito ng nabawasan.

Makikipagtagisan ang mga atleta sa 37 na mga sporting event.

Target ng Pilipinas na mahigitan ang apat na gintong medalya na nakuha ng Pilipinas noong Asian Games limang taon na ang nakakalipas na ginanap sa Jakarta, Indonesia.