-- Advertisements --

Nakakuha ng $900 milyon na loan ang Pilipinas para sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Unang inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $400 milyon na utang para sa healty system enhancement to address and limit COVID-19 o HEAL 2 project.

Sumunod naman ang Washington-based World Bank na inaprubahan ang $500 milyon na additiona na pagpondo sa COVID-19 emergency response project.

Ayon kay Finance Undersecretary Mark Dennis Joven na isasagawa ang pagpirma ng mga kasunduan sa loob ng buwang ito.

Tiniyak ng gobyerno na ang dalwang utang ay mapupunta sa pagbili ng mga bakuna na pangungunahan ng Department of Health (DOH).