Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na mayruon ng nakalatag na contingency plan sakaling mag escalate ang giyera sa middle east lalo na ang nangyayaring giyera sa Lebanon.
Ayon kay Manalo, ginagawa na ngayon ng DFA at ng mga attaches nito ang lahat sa pakikipagtulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) para matulungan ang mga kababayan natin na naiipit sa labanan sa Lebanon.
Dagdag pa ni Manalo na may mga ginagawa ng arrangements para maiuwi pabalik ng bansa ang mga kababayan natin.
Sinabi ni Manalo, sa ngayon natukoy na ang mga Filipino na nasa southern part ng Lebanon na siyang direktang naiipit sa labanan.
Batay sa datos ng ahensiya kakaunti lamang ang mga Pilipino na naninirahan sa southern part dahil karamihan sa mga Filipino ay nasa Beirut na siyang capital ng bansang Lebanon.
Siniguro naman ng kalihim na mayruong komunikasyon ang embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa Beirut.
Una ng inihayag ni DMW Undersecretary Bernard Olalia na pinaplantsa na ngayon ng gobyerno ang mga detalye para sa isang chartered flight na mag-uuwi sa mga repatriated Filipinos mula Lebanon.