-- Advertisements --

Magpapadala ang Pilipinas ng 20 atleta para sa 9th Asian Winter Games.

Gaganapin ito sa darating na Pebrero 7-14 sa Harbin, China.

Layon ng mga atletang Pinoy na makakuha ng medalya para sa 2026 Winter Olympics.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na nakakamit na ng gintong medalya ang bansa sa Summer Olympics kaya nais nilang makakuha ng gintong medalya sa Winter Olympics.

Sa naunang edition ng Asian Winter Games ay naging kulelat ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Tolentino na sasabak sa anim na sports sa kabuuang 11 na sport event.

Ang Curling team ang siyang may pinakamaraming miyembro na aabot sa 10.

Nangunguna sa nasabing torneo ang Japan na sinundan ng China at Kazakhstan.