-- Advertisements --

Nagtabi ang gobyerno ng P45 bilyon mula sa national budget ng susunod na taon para sa kanilang vaccination efforts.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na ang nasabing halaga ay bilang pondo sa pandemic vaccines o booster shots.

Dagdag pa ng kalihim na ito ang kaniyang ipinaalam sa ginawang pagpupulong kina Budget Secretary Wendel Avisado at Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Umaabot na kasalukuyan ng 30 milyong vaccine doses ang bansa at inaasahan na makakapagbakuna ng 171 milyon ngayong taon.

Mayroong 65 milyon doses ang inaasahang darating sa ikatlong quarter ng taon at karagdagang 55 milyon doses naman ang darating na last quarter.