May tsansa na ang Pilipinas na makakuha ng unang gold medal sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Ito ay matapos na makapasok na sa finals ng wushu men’s sanda si Arnel Mandal.
Nagtala si Mandal ng 2-0 na panalo laban kay Amanbekov Avazbek ng Kyrgyzstan sa 56 kgs. class semifinals na ginanap sa XGS Sports Center.
Tiniyak ng 28-anyos na Ilonggo at gold medalist ng 31st Southeast Asain Games sa Vietnamn na gagawin niya ang lahat ng makakaya para makakuha ng gintong medalya.
Nabigo naman ang dalawang wushu fighter ng bansa na sina Gideon Padua at CJ Tabugara.
Hindi na pinayagang makapaglaro pa si Padua kay Shoja Panahigelehkolaei ng Iran dahil sa sugat ng kaniyang ilong na natamo sa quarterfinals.
Si Tabugara naman ay tinalo ni INa Marbun ng Indonesia sa 65 kgs. men’s semifinals.
Ang dalawa ay tiyak na sa bronze medal.