-- Advertisements --

May tsansa pang makakuha ng kauna-unahang medalya sa Asian Winter Games ang Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan nina Marc Pfister at Kathleen Dubberstein sa curling habang si Peter Groseclose para speed skate sa torneo na ginaganap sa China.

Kailangan lamang na talunin ng dalawa sa curling ang matatalo sa pagitan ng China at South Korea para matiyak ng bronze medal.

Habang ang 17-anyos si Groseclose ay pasok na sa semis ng 1500 meters ganun din sa quarterfinals ng 500 meters men’s short track speed skating.