-- Advertisements --
Mayroon pang mahigit 100 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang kasalukuyang nakatago sa iba’t-ibang storage facilities ng gobyerno na siyang gagamitin sa pagpapabakuna ng nasa 28 hanggang 30 milyong Filipino sa bansa.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na ang nasabing mga natitirang doses ay sapat lamang para sa booster shots ng nasa 25 milyong Filipinos.
Umabot na kasi sa mahigiti 114-M na mga bakuna ang itinurok na sa buong bansa.
Sa nasabing bilang ay mayroong mahigit 52-M ang fully vaccinated na kung saan target nila na mabakunahah ang 90 milyong populasyon sa katapusan ng 2nd quarater ng taon.