Muling nanawagan ang Pilipinas sa China na alisin na ang kanilang ‘monster ship’ sa karagatang sakop ng bansa partikular na sa West Philippine Sea.
Partikular na rito ang China Coast Guard vessel 5901 na kilala nga bilang “monster ship”.
Sa isang press conference ,sinabi ni National Task Force – West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya, naalarma ang bansa sa presensya ng naturang barko na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas.
Nakapagsumite na rin aniya sila ng malinaw na request at demand sa gobyerno ng China para alisin nito ang kanilang barko sa naturang karagatan.
Giit ni Malaya na wala pang tugon ang China sa kanilang demand.
Kaugnay nito ay nakapag isyu na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa presensya ng naturang dambuhalang barko.