-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine Men’s National Football Team sa kamay ng Thailand 3-1 sa leg 2 ng semifinals ng 2024 ASEAN Mitsubishi Electric Cup.

Nagwagi ang Thailand na 4-3 aggregate kung saan makakaharap nila ang Vietnam para sa titulo.

Umabot pa sa 120 minuto ang laro subalit pinatunayan ng Thai War Elephant ang kanilang home court advantage.

Tanging si Bjorn Kristensen ang nakapagtala ng goal para sa Pilipinas sa loob ng 84 minuto.

Ang panalo ay tila pagbawi ng Thailand ng talunin sila ng Pilipinas nitong Biyernes na siyang makasaysayang panalo ng Men’s Football sa loob ng 52 taon.