-- Advertisements --
Nabigo ang Pilipinas na makuha ang record na may pinakamaraming sabay-sabay na nagdribble ng basketball.
Sa unofficial account ay umabot lamang sa mahigit 4,000 katao ang lumahok para sa Go For Gold at makuha ang Guiness World Record sa isang mall sa Pasay City.
Hindi nito nahigitan ang ginawang 7,556 na katao na gumawa rin ng record sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong Hulyo 22, 2010.
Nagpasalamat ang event organizer dahil sa nasabing bilang ay ipinakit pa rin nila ang suporta sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Southeast Asian Games.