-- Advertisements --

Nadomina ng men’s tennis team ng bansa ang Mongolia sa pagsisimula ng Davis Cup na ginaganap sa Bahrain.

Nakuha ng Pilipnas ang 3-0 na record na isang magandang muling pagsisimula matapos ang apat na taon na pamamahing sa torneo.

Nanguna naman si Eric Jed Olivarez Jr sa first singles na tinalo si Sonompuntsag Enkhjargal, 6-0, 6-0.

Habang panalo rin si Alberto Lim laban kay Undrakh Purdevdorj with 6-1, 6-3.

Bumandera rin sa doubles sina Ruben Gonzalez at Francis Alcantara 6-1, 6-0 laban kina Tenuun Oyunbold at Zolbadar Urnukh.

Nasa Group V ang Pilipinas kung saan marapat na sila ay makapasok sa top 2 sa 15 bansa para makangat sa Group IV promotion.

Kasama ng Pilipinas sa Group V ang mga bansang Bahrain, Bangladesh, Bhutan, Brunei, Guam, Laos, Macau, Maldives, Mongolia, Nepal, Pacific Oceania, Tajikstan, Turkmenistan, at Yemen.