Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa pagkumpiska nila ng aggregating devices na nakalagay sa mga bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.
Tinawag ng bansa na iligal ang ginawang pagkumpiska ng Chinese Coast Guard sa mga payao ng mga mangingisdang Filipino.
Nangyari ang insidente noong Mayo sa 124 nautical miles na nasasakupan ng Palawan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), na hindi sang-ayon ang Pilipinas sa patuloy na paglabas ng mga radio challenges ng China sa mga eroplano ng bansa na nagsasagawa lamang ng regular na pagpapatrolya.
Bagamat inaangkin ng Pilipinas ang shoal subalit naglabas ng kautusan ang arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands noong 2016 na walang bansa ang dapat kumuha ng sovereign rights sa Scarborough dahil ito ay traditional fishing grounds para sa mga Filpino, Vietnamese at Chinese fishermen.
Hindi naman kinikilala ng China ang nasabing ruling at inaangkin ang shoal dahil umano nasa 472 nautical miles ito na malapit sa probinsiya ng Hainan.