-- Advertisements --

Naghain na ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China dahil sa pinakahuling insidente sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na hinihintay niya lamang ang magiging tugon dito ng China.

Isinagawa nito ang paghain ng protesta matapos ang naging rekomendasyon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Magugunitang namataan ang hindi bababa sa 220 na mga barko ng China sa Julian Felipe Reef noong Marso 7 na pinangangambahang sisira sa coral reef sa nasabing lugar.

@@@