Naging mas ‘assertive’ na ang Pilipinas sa pagsusulong nito sa mga karapatan sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela, simula ng umupo si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ay pinanindigan na ng Pilipinas ang mas matatag na posisyon sa WPS.
Kabilang dito ang tumatag na alyansa ng Pilipinas hindi lamang sa Estados Unidos kundi maging sa Australia, Japan, at European Union, kasama na dito ang pagpapalakas sa maritime capabilities ng bansa.
Ayon sa PCG official, ang lahat ng ito ay tugon sa walang-patid na agresyon ng Chinese government sa pinag-aagawang karagatan na labis na nakakaapekto sa mga mangingisdang nagagawi roon.
Tinukoy din ni tariela ang ipinangako ni PBBM na hinding-hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit isang pulgadang teritoryo ng bansa kaninuman.
Aniya, patunay ito ng mas mahigpit na paggiit ng kasalukuyang administrasyon sa mga karapatan nito sa WPS, kasama ang mga maritime feature na binabantayan na ng mga tropa ng pamahalaan.