-- Advertisements --
Pangalawa na ang Pilipinas sa pinakamalaking sinusuplayan bansang Brazil ng kanilang karneng baboy.
Sa unang anim na buwan ng 2024 kasi ay pinalawig imports mula sa South American country dahil sa pagdami ng kaso ng African swine fever (ASF).
Ayon sa Brazilian Association of Animal Protein (ABPA) na mula Enero hanggang Hunyo ay mayroong 84,279 metric tons ang dumating na karne ng baboy sa bansa na galing sa Brazil.
Mas mataas ito ng 65 percent o katumbas ng 50,922 metric tons na naitala sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Halos tatlong milyong baboy kasi ang nasawi sa Pilipinas matapos na dapuan sila ng sakit na ASF.